The Theology and Ministry Program of the School of Humanities invites you to the oral defense of the M.A. Thesis entitled “ANG FEAST BILANG POSTMODERNONG PAGPAPAHAYAG NG PANANAMPALATAYA NG MILENYAL” by IAN GABRIEL C. CEBLANO on 16 April 2024, Thursday, 10:00 a.m. at Tipanan ni San Ignacio, DLC 201, 2/F Dela Costa Bldg., Loyola School of Theology. The Board of Examiners is composed of Fr. Rene Pio Javellana, S.J., D.Min. (Second Reader/Principal Examiner), Patricia Lambino, Ph.D., and Raymond Aguas, Ph.D. The M.A. Thesis Adviser is Fr. Jose Mario Francisco, S.J., S.T.L., Ph.D. The defense is being held in partial fulfillment of the requirements for the degree Master of Arts in Theological Studies with a field of specialization in Systematic Theology. It is open to the public.
Abstract: Ang “the Feast” o “Feast” ay isang lingguhang pagtitipon ng mga kasapi ng katoliko-karismatikong kilusan na Light of Jesus Family (LOJF). Sa Feast, binibigyang pagpapahalaga ang discipleship bilang pangunahing pagpapahayag ng pananampalataya. Naipahahayag ito bilang indibidwal at komunidad sa pamamagitan ng pagtuturo’t pagsasabuhay ng katoliko-kristiyanong etos; isang buhay ng pagtugon at partisipasyon, isang pamumuhay nang may ugnayan sa Diyos at sa kapwa kalakip ang pagdiriwang ng mga sakramento at pag-aangkop ng iba pang mga katolikong pagpapahayag ng pananampalataya habang nakikipagdiyalogo sa sekular na mundo. Sa pagyabong ng katoliko-karismatikong pagtitipong ito, lumalawak at lumalawig din ang impluwensya nito sa lipunang Pilipino partikular sa mga pagpapahalaga ng henerasyong milenyal. Lumilitaw din dito ang impluwensya at mga pagpapahalagang postmoderno, ang kakatwa nitong pag-alpas sa katoliko-kristiyanong grand narrative. Kaya mahalagang bigyang-linaw ang penomena ng pananampalatayang ito ng Feast.
Pinalilitaw ng pag-aaral na ito na ang Feast, bilang katoliko-karismatikong pagtitipon, ay isang postmodernong pagpapahayag ng katolikong pananampalataya ng henerasyong milenyal. Una, sinisiyasat ang kalikasan at katangian ng postmodernong kaisipan, pananampalatayang katoliko, at ang espiritwalidad na taglay ng henerasyong milenyal. Dito binubuo ang batayang-balangkas na siyang saligang ideya sa pag-usisa sa Feast at mga paksang kaugnay nito. Ikalawa, isa-isang binibigyang-linaw ang kasaysayan, pangunahing pagpapahalaga, kabuuang balangkas at kalikasan, at mga kaugnay na sangay at programa ng Feast na nagpapalitaw dito bilang isang lehitimong pagpapahayag ng pananampalataya ayon sa konteksto ng katolikong pang-unawa sa pananampalataya. Ikatlo, humahantong ang diskurso sa pagsasaliksik sa isang analisis sa Feast sa punto de vista ng pagsasalubong ng postmodernong kaisipan at katolikong pananampalataya at pagpapalitaw ng postmodernong karakter at kahalagahan nito sa henerasyong milenyal. Sa pagtatahi ng mga paksang ito lumilitaw ang Feast bilang postmodernong katolikong pagpapahayag ng pananampalatayang nagsisilbing daluyan tungo sa kaganapan ng buhay ng milenyal. Mas nabibigyang linaw pa ito sa pagkasangakapan sa mga kabalintunaan ng pananampalataya (paradoxes of faith) at pag-aangkop ng mga ito sa Feast.