Home » Academic Programs » Theses and Dissertations » Erickson S. Javier (Philippines)
"Mga Piling Panata Bilang Popular na Pagpapahayag ng Kabanalan sa Diyosesis ng Pasig: Tungo sa Bagong Ebanghelisasyon at Wastong Katesismo"

Erickson S. Javier (Philippines)

Doctor of Ministry (D.Min.) with field of specialization in Religious Education
Adviser: Msgr. Sabino Vengco, Jr., S.T.D.

Abstract:

Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa mga piling panata sa Diyosesis ng Pasig bilang popular na pagpapahayag ng kabanalan tungo sa bagong ebanghelisasyon at wastong katesismo. Ang mga panatang ito ay ang Paso ng Biyernes Santo sa Pasig, ang Pagbibihis kay Poong Ana at Maria sa Taguig at ang Pandangguhan kay Sta. Marta sa Pateros. Ang mga panatang ito ay may sariling gawi, kilos, panalangin, awit, at rito. Maituturing na ang mga ito ay matatanda na at napagsalin-salin sa bawat henerasyon na kinabibilangan ng mga indibidwal at pamilya. Ang panata bilang popular na pagpapahayag ng kabanalan ay isang buháy na relihiyon dahil nakaugnay at nagmula ito sa mga tao. Ang mga panatang ito bagamat luma ay daan tungo sa bagong ebanghelisasyon. Natatangi ang pananaliksik na ito dahil ang mga piling panata ay alalahanin ng lokal na Simbahan na magbibigay ng bagong konsepto na pang teolohiya, bagong pang-unawang pastoral, at pagtuklas sa katotohanan ng pananampalataya na lilinangin ng katesismo. Tatlong hain ang naisin ng gawaing ito: una ay ang palaguin ang “teolohiya ng karanasan” na mula sa mga panatang ito ay may uusbong na bagong teolohiya dahil ang Diyos ay nagpapahayag ng kanyang sarili sa karanasan ng tao; ikalawa ay ang makita ang pagtutugma ng mga panata bilang popular na pagpapahayag ng kabanalan sa liturhiya. Ang mga panata ay instrumento ng aktibong pakikilahok ng mananampalataya sa liturhiya; ikatlo ay kapag sagrado ang kultura, nakakapagbuo ito ng pamayanan at nagkakaroon ng pagkakataon na ipasok ang Salita ng Diyos na siyang huhubog at magpapalalim ng pakikipag-ugnayan sa Diyos.

Final Defense:

Date of Oral Defense: April 13, 2018

Board of Examiners: Fr. Albert Alejo, S.J., Ph.D. (Principal Examiner), Dr. Patricia Lambino, Fr. Jose Mario Francisco, S.J., S.T.L., Ph.D., and Fr. Oliver Dy, S.J., S.T.D.

Proposal Defense:

Date: November 16, 2017

Board of Examiners: Msgr. Sabino Vengco, Jr., S.T.D. (Adviser), Msgr. Manuel Gabriel, D.Miss., and Fr. Jose Mario Francisco., S.J., S.T.L., Ph.D.

Home » Academic Programs » Theses and Dissertations » Erickson S. Javier (Philippines)